-- Advertisements --

Ginawaran ng presidential pardon ng pangulo ng United Arab Emirates ang tatlong Filipino na unang nahatulan ng parusang kamatayan.
Ang dalawa sa mga Pilipino na ito ay nakapila na sa death row.

Ayon sa Presidential Communication Office na pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na agad na tinawagan niya si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan para pasalamatan sa pagbibigay niya ng pardon.

Noon pang dalawang buwan ang nakakalipas kasi ay umapela mismo si Pangulong Marcos sa gobyerno ng UAE na mabigyan ng pardon ang tatlong Pinoy.

Mismong si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang nakatanggap ng mensahe kay UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi ukol sa pagbibigay ng pardon.

Magugunitang noong Abril 27 ay nagpadala ng sulat si Pangulong Marcos na humihiling kay Sheikh Mohamed na ikonsidera ang paggawad ng humanitarian pardons sa tatlong Pinoy na nakakulong.