Patay ang tatlong katao matapos ang pagtaob ng isang tourist boat na gawa sa kahoy sa Poland.
Ayon sa mga otoridad ng Gdańsk, na maaring tumaob ang nasabing bangka matapos na tamaan ito ng alon.
Tinatayang nasa 14 ang lulan ng nasabing bangk ng ito ay tumaob sa Motlawa river.
Isa sa mga biktima ay 60-anyos na lalaki na nasawi agad sa lugar habang ang dalawang iba ay namatay na sa pagamutan kung saan isa sa mga biktimang nasawi ay buntis pa.
Nagtulong-tulong ang 20 bumbero at mga miyembro search and rescue group sa nasabing insidente.
Ang Galar Gdański na isang kahoy na bangka ay may habang siyam na metro na kayang magdala ng 12 pasahero at dalawang crew.
Ito ang replica ng Polish ship na sikat noogn 18th Century na ginagamit sa pagdala ng mga paninda sa ilog.