-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos ang naganap na pamamaril sa Elad City, Israel.

Isinagawa ang pag-atake kasabay ng anibersaryo ng Jewish state.

Bukod sa nasawi ay mayroong tatlong iba pa ang nasugatan na patuloy na ginagamot.

Kinondina naman ni Israel Foreign Minister Yair Lapid ang nasabing insidente kung saan agad na nasira ang kasiyahang dulot ng independence day.

Nagsagawa na rin ng mga malawakang manhunt ang mga otoridad sa mga suspek na nasa likod ng pag-atake.