-- Advertisements --
Pinabalik na ng Bureu of Immigration sa kanilang point of origin ang tatlong banyagang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagtangkang lisanin ang bansa gamit ang pekeng pasaporte at visa.
Ayon kay BI port operations division chief Grifton Medina ang mga suspek na naharang sa NAIA Terminal 2 ay ang mag-asawang Palestinian na Sina Yousef Hilles at Nour Muamar at Senegalese passenger na si Fallou Thiam.
Ang mag-asawa Palestinian ay gumamit daw ng pekeng United Arab Emirates passport at sasakay sana sa flight na papuntang Malaysia.
Si Thiam naman ay papuntang Toronto sa Canada gamit ang pekeng Canadian visa at pekeng sticker sa kanyang passport.