-- Advertisements --

Hindi bababa sa 27 katao ang nasawi habang 63 naman ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang pub sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa mga awtoridad, naganap ang insidente sa Chatuchak district sa kabisera ng Thailand.

Batay sa paunang imbestigasyon at salaysay ng mga nakaligtas, mabilis na kumalat ang makapal na usok matapos sumiklab ang sunog.

Dahil dito, maraming tao ang nagtangkang lumabas at nagtungo sa likurang bahagi ng establisimyento malapit sa mga comfort room.

Ngunit ayon sa mga opisyal, wala umanong fire exit ang naturang pub, dahilan upang marami ang ma-trap sa loob.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang posibleng paglabag s