Aminado si Jane de Leon na nalulungkot ito sa kumpirmadong pagpapaliban sa dapat na pagbibidahan nito sa film remake ng “Darna” ni Mars Ravelo.
Pero ayon sa 21-year-old actress, nauunawaan nito na prayoridad ang kaligtasan ng mga bubuo sa production sa gitna ng coronavirus pandemic sa bansa.
“I’m deeply saddened by the postponement of the Darna project. However, safety comes first as always. Thank you so much for the support & understanding. Let’s pray for everyone’s safety. God Bless!,” saad ni de Leon.
Una rito, naglabas ng official statement ang ABS-CBN para kumpirmahin ang “indefinite postponement” sa film production ng Darna.
Ang desisyong ito ay dumaan daw sa “careful deliberation” base sa impact ng pandemya sa paggawa ng pelikula at sinehan kung saan kailangang sumunod sila sa protocols ng new normal sa mga shooting.
Nabatid na tataglayin ng taping sa “Darna” ang “complex logistics, crowd shots, and fight scenes that involve physical contact” kaya mahihirapan ang produksiyon na gawin ang mga ito.
Noong nakaraang taon nang tiyakin ng aktres na gagawin nito ang kanyang “best” matapos mapili bilang bagong “Darna.”
si Jane ay nakilala sa pagganap bilang nakababatang kapatid ni Jericho Rosales sa teleseryeng “Halik,” at dating miyembro ng girl group na GirlTrends sa isang noontime show