-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang proposed P5.768 trillion na national budget sa susunod na taon.

Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ang 2024 National Expenditure Program (NEP) ay mas mataas ng 9.5 percent kumpara sa P5.268 trillion na budget ng kasalukuyang taon.

Ito rin ay 21.8 percent ng gross domestic product ng bansa.

Inaasahan na ang NEP ay maisususmite sa kongreso ilang linggo pagkatapos ng State of the Nation Address ng pangulo sa Hulyo 24.