Naka iskedyul bukas, November 25,2022 ang pinaka hihintay na Bicameral conference committee meeting ng House of Representatives at Senado kaugnay sa proposed P5.268 trillion national budget para sa fiscal year 2023 .
Gagawin ang bicam meeting sa Manila Polo Club sa Makati City.
Magpupulong ang house contigent at senate contingent na layong i-harmonize ang mga disagreeing provisions ng dalawang chambers sa kanilang mga version sa General Appropriations Bill.
Inaprubahan ng Kamara ang kanilang version ng GAB nuong Sept 30,2022 habang ang senado inaprubahan ang kanilang version kahapon Miyerkules November 23.
Ang mga mambabatas na kabilang sa listahan ng House contingent ay ang mga sumusunod: Rep. Stella Luz Quimbo, Rep. Ralph Recto, Rep. Aurelio Gonzalez, Rep. Mannix Dalipe, Rep. Sandro Marcos, Rep. David Suarez, Rep. Neptali Gonzales II, Rep. Jose Aquino II, Rep. Raul Angelo Bongalon, Rep. Eleandro Jesus Madrona, Rep. Michael John Duavit, Rep. Marcelino Libanan at Rep. Edcel Lagman.










