-- Advertisements --
Gusto ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHaPi) na mapalawig ng dalawa pang linggo ang implementasyon ng Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay PHAPi president Dr. Jose de Grano, masyado pang maaga para maniesls talagang pababa na ang COVID-19 cases sa rehiyon.
Base sa naunang deklarasyon ng pamahalaan, hanggang ngayong Setyembre 30 lamang ang validity ng Alert Level 4 sa NCR maliban na lamang kung papalawigin nila ito.
Ayon kay De Grano, ang mahigit 10,000 daily COVID-19 cases ay masyado pang mataas sa kabila ng downward trend na nakikita sa ngayon dahil sa implementasyon ng alert level system.










