-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang dalawang wanted person at dating miyembro ng NPA matapos boluntaryong sumuko kahapon, Nobyembre 20, sa Loon, Bohol.

Kinilala ang mga ito na sina alyas “Joe”, 41 anyos at Vice Squad Leader ng dating Front Committee 1&3 samantalang ang isa pa ay nakilalang si alyas “Fanie”, 53 anyos na dating miyembro ng Legal Front of Leftist Group sa bayan ng Danao Brgy. Cabatuan at Carmen Sitio Taytay Barangay Montesuerte bilang “Sinaligang Masa” (Barangay Officer Party).

Kapwa dating miyembro ang mga ito ng Central Visayas Regional Party Committee (CVRPC).

Ang mga ito’y may standing na Warrant of Arrest dahil sa kasong murder na inisyu ni Presiding Judge Hon. Irma Zita V. Masamayor Regional Trial Court ng Bohol 7th Judicial Region, Branch 52, sa San Jose Talibon, Bohol.

Ang pagsukong ito ng mga makakaliwang grupo ay nagpapakita lamang umano ng magandang resulta ng pagsisikap na ginawa ng mga awtoridad para kumbinsihin ang mga ito na magbalik-loob na sa pamahalaan.