-- Advertisements --

apalit3

Arestado ang dalawang suspek na sangkot sa human trafficking activities habang na rescue ang limang mga kababaihan ilan dito ay mga menor-de-edad sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng PNP Women and Children Protection Center, Apalit Municipal Police Station at Apalit Municipal Social Welfare and Development Office kahapon August 26,2021sa Apalit,Pampanga.

Ikinasa ng mga otoridad ang entrapment operation sa 6 Mary’s Hotel and Restaurant kung saan naabutan ang limang babaeng biktima ng human trafficking.

Kinilala ni PNP WCPC Commander BGen. Alessandro Abella ang dalawang naarestong suspek na sina Eldin Romero Galang, 48-anyos at Emmanuel Manalo Catacutan, 18-anyos.

Kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 as amended by RA 10364 known as Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at RA 7610 Anti-Child Abuse Act as amended by RA 9231 Anti-Child Labor Act.

apalit

Nakumpiska sa posisyon ng dalawang suspek ang 20 piraso ng P500 bill, isang cellphone at iba pang mga kagamitan.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa PNP WCPC detention facility ang dalawang suspeks.

Nagpapatuloy din ang pag-iimbestiga sa mga narescueng limang mga babaeng biktima.