Cauayan City- Sugatan ang dalawang katao matapos masalpok ng isang kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Roxas Solano, Nueva Vizcaya.
Ang mga biktima ay sina Wayne Mark Dacayo,19, tsuper ng motorsiklo, residente ng Barangay Roxas, at Claidy Via Pili, 21,residente ng Barangay Lactawan at kapwa sales agent, habang ang sangkot na kotse ay isang Sedan naman na minamaneho ng hindi pa nakikilalang pinaghihinalaan.
Sa inisyal na pagsisisyasat ng Solano Police Station binabaybay ni Dacayo ang Manzano Street patungong Silangang direksyon habang binabagtas naman ng kotse ang Bonifacio Street patungong hilagang direksyon.
Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ,ay bigla na lamang sinalpok ng kotse ang motrsiklo.
Bilang resulta, nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas.
sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng Pulisya ang tsuper ng Kotse na mabilis na tumakas matapos na masalpok ang mga biktima.