-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawa katao sa vehicular crash sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga nasawi na sina Romeo Barroga at Sonia Abalos,mga residente ng Agumil Compound Buluan Maguindanao.

Isang menor de edad rin ang naisugod sa pagamutan na angkas ng motorsiklo.

Ayon sa ulat ng President Quirino PNP na binabaybay ng D4D Toyota Hilux Pickup ang national highway sa bahagi ng Purok Capillar sa bayan ng President Quirino Sultan Kudarat.

Bigla umanong nawalan ng kontrol ang driver ng pickup at binangga nito ang kasalubong na motorsiklo.

Tumilapon ang mga biktima sa kalsada dahil sa lakas ng impak ng pagkabangga.

Naisugod sa pagamutan ang tatlong sugatan ngunit dalawa sa kanila ang binawian ng buhay.

Sumuko naman ang driver ng pickup na si Jeremy Bernasor Esmael 24 anyos sa pulisya at patuloy na iniimbestigahan.