-- Advertisements --

Dalawang komite sa Senado ang naghahanda na sa paghawak ng imbestigasyon ukol sa Jolo, Sulu incident na ikinasawi ng apat na sundalo sa kamay ng ilang pulis.

Ayon kay Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa panayam ng Bombo Radyo, ang kaniyang komite ang didinig ng isyu.

Pero hindi umano sila makikisabay sa nagpapatuloy na pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI), dahil interesado rin silang malaman ang magiging findings ng mga imbestigador.

Giit ng senador, kailangan nilang magdaos ng Senate inquiry para makabuo ng mga batas na magagamit upang hindi na maulit ang labanan ng mga tropa ng pamahalaan.

Samantala, inaasahang makakatuwang ng lupon ni Dela Rosa ang komite ng isa ring dating PNP chief na si Sen. Panfilo Lacson mula sa Senate committee on national defense and security, lalo’t mga pulis at sundalo ang magiging parte ng pagdinig.