Hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibiwal na sangkot sa kasong estafa at large scale illegal recruitment.
Ayon Kay NBI Director Dante Gierran, ang dalawang suspek ay sina Irmalyn Melodias-Torres at pamangkin nitong si Gerald Melodias na naaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Puerto Prinsesa Regional Trial Court (RTC) sa Palawan.
Modus umano ng grupo na mangolekta nang hanggang P300,000 kasunod ng pangakong mas mabilis ang kanilang pagtatrabaho sa US.
Naaresto si Irmalyn mga suspek sa isinagawang surveillance operation sa isang mall sa Balintawak, Quezon City.
Ang suspek namang si Gerald ay naaresto sa Valenzuela City.
Matapos maaresto ay agad dinala ang mga suspek sa NBI main office para sa booking procedure.