-- Advertisements --

Margie Moran on ballerina niece

Panalo pa rin para kay 1973 Miss Universe Margie Moran ang kanyang pamangkin na si Ysabelle “Bella” Roxas Ysmael, na nakamit ang abot-kamay nang Miss Universe Philippines (MUP) crown matapos tinanghal bilang first runner-up.

Ayon sa pangalawang Pinay Miss Universe, naibigay ni Bella ang standout performance sa kabila ng pagiging baguhan pa lamang sa larangan ng mga beauty pageant.

Bella first runner up MUP

Bahagi rin ng caption ni Moran sa larawan ng kanyang pamangkin na isang ballerina, ang quote ng Canadian based philosopher na si Matshona Dhliwayo, na hindi nakikipagkompetensya ang tunay na bituin kundi kusang lumilitaw ang kinang nito.

Nabatid na si “Bella ballerina” ng Paranaque ang tinanghal na best in evening gown, habang best in swimsuit naman ang Ilongga big winner na si Rabiya Mateo.

Pumatok din ang tinaguriang tornado walk ni Bella, bagay na inilarawan ng mga netizens bilang flawless.