-- Advertisements --

Nabawasan ng 6.7 percent ng working hours ng nasa 195 million katao dahil sa ipinatupad na global lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.

Ayon kay International Labor Organization (ILO) economist Christian Viegelahn, na nawalan ang iba ng kanilang working hours haban ang iba naman ay nawalan ng trabaho kasama na ang Pilipinas.

Malaki aniya ang tulong na ibinibigay ng gobyerno para sa nasabing pandemic.

Dapat aniya ang coronavirus responses ay nakatuon sa matibay na solusyon at tiyakin na walang maiiwan ni isang tao.