-- Advertisements --
Hindi big deal kay Ina Raymundo ang tila pagsunod ng kanyang anak, sa kanyang yapak noong siya’y sexy star pa.
Ito’y matapos pinagpipiyestahan pa rin sa online world ang mga bagong sexy photos ng panganay nitong anak na si Erika kung saan halos luwa na ang dibdib nito at inilantad na rin ang pwet.
Una nang nilinaw ni Ina o Rina Marie sa tunay na buhay na matagal naging camera-shy ang kanyang anak bago natutunang tanggapin na OK lang isapubliko ang maipagmamalaking katawan.
Si Raymundo ay sumikat noong 1990s matapos bansagan bilang “Sabado Nights” girl kasunod ng kanyang kinatampukang beer commercial.
Ang 44-year-old former sexy actress ay happily married sa kanyang Canadian husband at mayroon silang limang anak.