-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Nalunod ang isang 13 anyos na estudyante sa lungsod ng San Carlos matapos nito biruin ng kasamang kaibigan sa Sitio Longos Creek, kung saan sila naliligo.

Kinilala ng Philippine National police ang menor-de-edad na si Dan Renz De Guzman, residente ng Brgy. Pagal ng naturang lungsod.

Ayon sa kanilang imbestigasyon, dakong alas 3 ng hapon nang naliligo ito kasama ang mga kaibigan. Itinapon ng isa nitong kaibigan ang kaniyang tsinelas at napunta ito sa bahaging malalim.

Sinubukan niya itong kunin ngunit dahil sa lakas ng agos ay tuluyang nalunod si De Guzman.

Nang mapag alaman ng City Disaster Risk Reduction Management Office, agarang nagsagawa ng search and rescue retrieval operation.

Dinala si De Guzman sa provincial hospital ngunit dineklara itong dead on arrival.