BUTUAN CITY – Umabot na sa 11 ang naitalang patay habang dalawa naman ang missing sa Caraga Region sa paghagupilt ng bagyong Vicky nitong weekend.
Ito ang kinumpirma ni PCaptain Dorothy Tumulak, information officer ng Police Regional Office (PRO) 13 base na rin sa report na ipina-abot sa kanila ng Regional Tactical Operations Center (RTOC) ng PRO-13.
Sa eksklusibong panayamng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Captain Tumulak na ang nasabing bilang ay ibinase nila mula sa reports ng mga lower police units mula rin sa mga nagpapa-blotter na mga ka-anak ng mga biktima.
Sa 11 mga naitalang patay, lima sa mga ito ay mula sa Surigao del Sur, 4 sa Agusan del Sur at tig-iisa sa Agusan del Norte at nitong lungsod ng Butuan habang ang dalawang missing ay parehong mula sa Surigao del Sur.
Ayon sa opisyal, ito umano ang dahilan na naka-full alert sila para sa search, rescue, retrieval and recovery operations lalo na sa mga areas kungsaan na-missing ang dalawa matapos na grabeng na-apektuhan ng bagyo.
Sa ngayo’y umabot sa 80 mga pulis ang idini-deploy bilang bahagi ng operasyon at di kasali dito ang 696 na mga naka-standby at handang i-deploy kung kakailanganin.