-- Advertisements --
Patay ang 10 katao matapos ang naganap na sunog sa isang trauma center ng government hospital sa Odisha, India.
Lahat ng mga nasawing biktima ay pasyente ng pagamutan habang 11 mga staff ng pagamutan ang patuloy na ginagamot matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagmula ang nasabing sunog mula sa electrical short circuit.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang sanhi ng nasabing sunog.
















