BAGUIO CITY – Narekober ng mga otoridad ang 10 gramo ng pinatuyong marijuana tops sa isang parke ng Baguio City.
Batay sa report, nakatanggap ang mga personnel ng Baguio City Police Office – Station 7 ng tawag mula sa barangay kagawad ng Malcolm Square ukol sa natagpuang marijuana doon.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad kung saan itinuro ng nasabing barangay kagawad ang lokasyon ng marijuana.
Narekober ang mga nasabing iligal na halaman na nakalagay ng dalawang zip lock plastic bags at nakalapag sa ilalim ng isang upuan sa nasabing parke.
Nakita umano ng dalawang babae ang mga nasabing kontrabando kaya agad silang nagreport sa mga gwaridya sa kalapit na establishimento.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon para makilala ang mga nang-iwan sa nasabing kontrabando.