-- Advertisements --
Hinikayat ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Matteo ang publiko na sama-samang manalangin sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.
Ngayong araw ay eksakto isang linggo mula nang koronahan ang 23-year-old half Indian beauty mula Iloilo bilang bagong kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020.
Sa kanyang “IG” post, inihayag nito na maging alerto sa panahon ngayon at huwag magdalawang isip sakaling kailangan nang lumikas.
Sana rin aniya ay magkusang tumulong sa mga taong labis na nangangailangan.
Samantala, aminado si Matteo na simula pa lamang ng kanyang mas malaking pangarap ang pagiging first ever Miss Universe Philippines sa hiwalay na franchise sa Binibining Pilipinas.
“This is just the beginning of something great,” saad nito.