-- Advertisements --

May sarili nang caregiver na naka-assign para kay John Regala.

Ito’y habang sa bahay na itinutuloy ang pagpapagaling matapos ang isang linggong pagkakaospital pero nag-request nang makauwi, isang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Film Development Council of the Philippines chair Liza Dino, nakakangiti na uli si Regala sa gitna ng ibinigay na pain management medication ng mga doktor.

https://www.instagram.com/p/CDz5VHfBk8l/

Una nang nilinaw ng 55-year-old former kontrabida actor na nahihiya na ito matapos umabot na sa P100,000 ang kanyang hospital bill sa private room ng National Kidney and Transplant Institute.

Bago ito, siya ay natagpuang nanghihina sa isang lugar sa Pasay City kamakailan.

Nabatid na usap-usapang sumuko na ang ilang artistang tumutulong kay Regala dahil umano sa pagiging “uncooperative” nito bilang pasyenteng kailangan alagaan.