-- Advertisements --
Catriona to Georgia

Tumungo na rin sa Atlanta, Georgia, si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Ito’y walong araw bago nito koronahan ang bagong Miss Universe sa darating na December 9 (Philippine time).

Kasabay nito, inamin ng 25-year-old Australian beauty mula Bicol na emosyonal siya sa pag-iwan sa New York kung saan naroon ang Miss Universe headquarters na kanyang naging tahanan sa loob ng one year reign.

“ATLANTA here we go! 💫 This is also my official goodbye to New York! Feeling super sentimental about it all! I walked into this lobby in these exact boots earlier this year, now we’re 9 days away from welcoming a new queen! 🤍 Join me for one last trip as your reigning #MissUniverse? 🥰” ani Gray.

Una nang inanunsyo ni Cat na magsisilbi siyang host sa preliminary competition ng 68th Miss Universe sa darating na December 6 (US time).

Ayon sa pang-apat na Pinay Miss Universe, excited na siyang makita ang pagrampa ng 2019 delegates habang inirarampa ang kani-kanilang national costume.

Pambato ng bansa ngayong taon si Gazini Ganados, isang half Palestinian Cebuana beauty na tubong Zamboanga.