-- Advertisements --

Cauayan City- SUgatan ang isang retiradong kawani ng Pamahalaan sa karambola ng limang sasakyan sa Barangay San nicolas, Bayombong Nueva Vizcaya.

Ang mga sangkot nasasakyan ay isang tricycle na minamaneho ni Mario Conrado ,62, retiradong kawani ng pamahalaan, residente ng Brgy. Luyang. Bayombong, isang Sedan na minamaneho ni Roy Velasco, 63, isang guro, residente ng Brgy. Dopaj Dupax del sur, isang SUV na minamaneho ni Teofilo Navarro,66, retiradong kasapi ng AFP, residente ng Zan Fabian, Echague, Isabela, isang SUV na minamaneho ni Jeffrey Lazo,41, isang pastor,residente ng Brgy. Runruno, Quezon, at isang Isuzu closed Van na minamaneho ni Zander John Consolacion,24, na residente naman ng Brgy. Consolacion, Pangasinan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Maj George Maribbay, Hepe ng Bayombong Police Station sinabi niya na kapwa binabagtas ng mga sasakyan ang nasabing daan mula sa magkabilang direksiyon nanag makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay huminto ang tricycle na minamaneho ni Conrado dahilan para bahagyang huminto ang sumusunod na sasakyan na minamaneho naman ni Velasco.

Habang papaliko sa kaliwang bahagi ng daan ang tricycle ay na walan ng control sa preno ang tsuper ng Isuzu Closed Van sanhi para mabangga nito ang mga sinusundan nitong sasakyan.

Bilang resulta ay nagkarambola ang mga sasakyang minamaneho nina Conrado, Velasco,Navarro at Lazo.

Dahil sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng sugat si Conrado sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan na agad dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Maswerte namang walang nasaktan sa mga sakay ng iba pang sasakyan.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng pulisya kung magkano ang halaga ng pinsalang natamo ng mga sasasakyan habang nasa pangangalaga na ng Bayombong Police Station ang tsuper ng closed Van.