ILOILO CITY – Isa ang patay, tatlo ang kritikal matapos bumangga sa truck ang kotse na minamaneho ng lasing sa Cahaguikican, Pototan, Iloilo
Ang binawian ng buhay ay si Adrian Jay Solania, 19, ng Lumbo Pototan, Iloilo at nakaupo sa passengers seat ng kotse
Habang ang mga sugatan naman ay sina Dan Justine Pastolero ng Talibong Grande, Mina na siyang driver ng kotse, Joseph Garcera at Jomarie Sumbo, pawang residente ng Lumbo, Pototan, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Richard Cabucos, imbestigador ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na nakaidlip ang driver ng kotse at hindi nito namalayan na naagaw na nito ang linya na binabagtas ng truck na minamaneho ni Ray De Pedro ng Batan, Aklan.
Anya, lasing ang driver at papauwi na sana sa Pototan, Iloilo ng mangyari ang aksidente.