CENTRAL MINDANAO-Nawalan ng preno at bumaligtad ang isang fish car sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si alyas Junior,pahinante at sugatan ang driver ng elf truck na si Johani Cangay,mga residente ng Zamboanga City.
Ayon sa ulat ng Aleosan PNP na galing ang fish car sa Zamboanga City patungo sa lungsod ng Davao ngunit pagsapit nito sa bahagi ng Barangay Pagangan Aleosan Cotabato ay nawalan umano ng preno,di na nakontrola ng driver ang manibela kaya bumaliktad.
Agad tinulungan ng mga residente ang mga biktima at dinala sa Aleosan District Hospital ngunit binawian ng buhay ang pahinante na naipit sa fish car.
Marami ang naniniwala na posibling nakaidlip ang driver kaya bumaliktad ang sasakyan.
Samantala pinamigay naman ng driver ang mga isdang nasira sa mga residenteng naroon sa lugar.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa naturang pangyayari.