-- Advertisements --

Ngayong araw na masasaksihan ang annular solar eclipse kung saan makikita ang “ring of fire” phenomenon.

Una nang ipinaliwanag ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), na ang annular eclipse ay yaong nasa pinakamalayong posisyon ang buwan sa mundo kaya hindi mahaharangan ang haring araw.

Sa Manila, masasaksihan ang eclipse simula alas-12:32 ng tanghali hanggang alas-3:47 ng hapon.

Abot din ito sa Aparri, Laoag, Legazpi, Puerto Princesa, Cebu, GenSan; at maging sa ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Oman, Sri Lanka, Malaysia, Indonesia, Singapore, Northern Mariana Islands, at Guam.