-- Advertisements --

Hinimok ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) na suportahan ang sektor ng agrikultura sa pagbangon nito sa epekto ng community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Zubiri na ang basic rule sa food security ay protektahan hindi lamang ang mga consumers kundi maging ang mga producers din, na maituturing pinaka-vulnerable.

Pero ang problema aniya ngayon ay nadidiskaril ang basic rule na ito bunsod ng mga trade practices na minsan ay nagbibigay ng pabor sa importation kaya nalulugi ang mga local producers.

“It boggles the mind, that we are still importing when our local producers are suffering from a lack of market. Our farmers are still trying to recoup from losing bulk buyers like restaurants, hotels, and resorts,” dagdag pa nito.


Bagama’t mayroong “buy local” campaigns aniya ang DTI, tulad ng Go Lokal! at PinasMunaTayo, hindi naman aniya kasama rito ang agricultural sector.

“I hope that the DA can push for our local producers to be included in these campaigns. They need these platforms as much as any other industry,” ani Zubiri.

Bukod sa restriction sa importation, dapat aniya na bigyan din ng logistical support ng DA at DTI ang mga magsasaka, partikular na ang transportation.