Umaapela si House Deputy Minority Leader Carlo Isagani Zarate sa Comelec na masusing pag-aralan ang posibilidad na ipagbawal ang face-to-face campaign para sa halalan sa 2022.

Pahayag ito ni Zarate matapos sabihin kamakailan ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaring online na lamang ang isasagawa ang pangangampanya ng mga kandidato sa susunod na taon.

Pero sakali mang matuloy ito, sinabi ni Zarate na tanging ang mga mayayaman na kandidato lamang ang makikinabang, habang mapagkakaitan naman nang pagkakataon ang mga mahihirap.

Masyado kasing mahal at iilan lamang ang may kaya na gumastos ng malaki para sa online at media ads para sa kanilang pangangampanya.

Kung ganito lang naman aniya ang mangyayari, lalabas na ang halalan sa susunod na taon ay contest ng mga mayayaman at sikat.

-- Advertisement --