Nasa maayos na raw na kalagayan ang American actor na si Zac Efron matapos makakuha ng nakamamatay na impeksyon sa kanyang pananatili sa Papua New Guinea.

Una kasing napaulat na dinapuan ng bacterial infection si Efron habang nasa taping ng kanyang bagong documentary series.

Sa pagbubunyag ni Efron sa Instagram, nagkasakit daw ito ngunit agad ding nakapagpagaling makaraang ilipad patungo sa isang ospital sa Australia.

“Very thankful to everyone who has reached out,” saad nito. “I did get sick in Papua New Guinea but I bounced back quick and finished an amazing 3 weeks in P.N.G. I’m home for the holidays with my friends and family. Thanks for all the love and concern, see you in 2020!”

Nakabalik na raw ito ng Estados Unidos noon pang bisperas ng Pasko. (ABC News)