Reading Time: 1 minute

Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga customer na sine-serbisyuhan nito kaugnay ng inaasahang manipis na supply ng kuryente ngayong araw ng Huwebes, June 20.

Batay sa inilabas na advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang yellow alert ngayong alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.

Muli itong mararamdaman maamyang alas-11:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Samantala, mas manipis na energy supply o red alert naman ang inaasahan mamayang alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa ilalim ng yellow alert, manipis na supply ng kuryente lang ang inaasahan.

Habang sa red alert ay may posibilidad na makaranas ng brownout.

Ngayong araw may available capacity na 11,217 megawatts ang Luzon Grid at inaasahan na papalo ng 10,995 megawatts ang peak ng demand nito.