Reading Time: 1 minute

TUGUEGARAO CITY – Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang isang kasambahay matapos tangayin ang mga alahas ng kanyang amo na nagkakahalaga ng P500,000 sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa naging salaysay ng biktima na si Maria Maddela, 53-anyos, residente ng Brgy. Pengue Ruyu, sinabi nito na madaling araw ng Setyembre 18 nang iwan niya ang kanyang kasambahay na si Jenny Roco, residente ng Brgy Malabbac, Iguig sa kanilang bahay.

Pagbalik nito, nagpaalam umano ang suspek na tutungo sa Maynila na kanya namang pinayagan.

Kinabukasan ay napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang mga alahas na nasa loob ng kanyang cabinet.

Sinubukang kontakin ng biktima ang suspek ngunit hindi na nito sinasagot ang kanyang tawag.

Dahil dito, nagdesisyon ang anak ng biktima na si Jennifer na magtungo sa tahanan ng suspek.

Napag-alaman sa biyenan ng suspek na naibenta na pala ng kasambahay ang mga tinangay nitong alahas ng kanyang amo.