Dumating sa bansa kahapon, Sabado March 11, 2017 ang tinaguriang world hottest math teacher na na si Petro Boselli.

Si Boselli ay isang Italian model at academic instructor at naka base sa London na mayroong PhD in Engineering.

Nakilala si Boselli sa social networking sites matapos ipost ng isa niyang estudyante ang kaniyang larawan noong 2015.

Naging model na rin siya ng ilang mga international fashion and accessory brands.

Si Boselli ay kasalukuyang model ng isang top brand na clothing sa bansa.

Nakatakda din ito makipagkita sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng meet and greet.