Photo by Dimitri Karastelev on Unsplash

Sang-ayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpatupad ang ilang kumpanya ng ‘work from home’.

Ito ay para maiwasan ang mga empleyado na mahawaan ng coronavirus.

Sinabi ni DOLE Bureau of Working Conditions Director Teresita Cucueco, na ang nasabing hakbang ay maaaring ipatupad basta hindi maapektuhan ang trabaho sa kumpanya.

Kahit na ang nasabing hakbang ay hindi magpapatigil sa nasabing pagkalat ng virus ay makakatulong naman ito sa pagbawas ng posibleng pagkalat nito.

Kailangan lamang ng kasunduan sa panig ng employer at mga empleyado.