Sumiklab lamang ang word war sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa people’s initiative, na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.
Ito ang inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan aniya wala namang gulo kundi rumeresponde lamang ang Senado sa mga sinasabi ng mga kongresista.
Ayon sa senador, mag-umpisa lamang ang gulo nang tanggalin ng mababang kapulungan ang check and balances ng ating bansa.
Binanggit ni Gatchalian na mapayapa ang pagsasara ng sesyon ng Senado noong nakaraang taon, at nang magsimula ang Enero, umiikot na ang usapin sa people’s initiative.
Tinutulan aniya ito ng mga senador dahil tila inaalis ng inisyatibba ang checks and balances ng ating sistema.
Giit nito, hindi tama na Kamara ang magdedesisyon para sa kinabukasan ng Pilipinas.