Soon to be mommy of three na ang Israeli actress na si Gal Gadot.

Simple lang ang naging anunsyo ng 35-year-old “Wonder Woman” star, isang araw matapos niyang maging presenter sa idinaos na virtual Golden Globe Awards kahapon (Manila time).

Sa ngayon ay nine years old na ang panganay habang three years old ang baby No. 2 nila ng asawang real estate developer na si Yaron Varsano.

Isa sa hit movies ni Gadot ay ang “Wonder Woman.”