Thomas Isaiah 2
Isaiah Thomas/ IG post

Minultahan ng NBA si Washington Wizards guard Isaiah Thomas ng $25,000.

Ito ay dahil sa paghawak nito referee ng talunin sila ng Portland Trailblazers 122-103 nitong Biyernes.

Binabantayan siya noon nina Carmelo Anthony at Damian Lillard at dahil nais niyang makontrol ang bola ay naidikit niya ang braso nito sa dibdib ng referee na si Marat Kogut.

Dahil sa pangyayari ay ginawaran ito ng technical foul at pinalabas sa playing court.