NAGA CITY – Umaasa umano si Senator Leila de Lima na buhay pa rin ang ina hanggang sa malagpasan nito ang kinakaharap na suliranin.

Sa panayam kay Vicente De Lima II, sinabi nitong laman ng panalangin ng kanyang kapatid na humaba pa ang buhay ng kanilang ina.

Ayon kay Vicente, hangad ng senadora na makasama pa nito ang ina hanggang matapos ang mga problemang ipunukol laban dito.

Sa ngayon, umapela ang pamilya de Lima sa publiko ng panalangin para sa kondisyon ng may sakit na ina.

Kahapon nang nabigyan ng pagkakataon ang senadora na makauwi sa Iriga City at makasama ang 86-anyos na ina sa loob ng walong oras na ibinigay ng korte.

Inilarawan ito ng kapatid ni de Lima bilang “glorious reunion” para sa kanilang buong pamilya.