-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inamiyendahan na ng pamahalaang lungsod ng Legazpi ang window hours sa kanilang ipinapatupad na curfew hours.

Sa ngayon, pinapayagan na ang isang household member na makalabas ng bahay para makabili ng mga essential goods mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang mga grocery stores naman ay pinapahintulutang magbukas mula alas-7:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Itinakda naman ang pagbubukas ng mga pamilihang bayan mula alas-4:00 ng umaga hanggang hanggang alas-12:00 lamang ng tanghali.

Hindi naman kasama sa bagong schedule hours ang drug stores at medical institutions.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Noel Rosal, sinabi nitong madaling araw madalas naabuso ang curfew hours.

Kaya naman umaapela pa rin si Rosal sa mga residente na patuloy na makipag-cooperate sa kanilang mga inilalabas na kautusan.