Desidido ang Hollywood actor na si Will Smith na maibalik ang kaniyang dating pangangatawan.

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng mga larawan habang nasa loob ng gym.

Sinabi nito na nais niyang bumalik muli sa dating katawan.

Mula kasi ng magkaroon ng COVID-19 pandemic ay hindi na nito naalagaan ang kaniyang pangangatawan kaya bahagyang lumubo ito.