Sinorpresa ng actor na si Will Smith kasama ang singer na si Jason Derulo ang 14-anyos na batang lalaki na mayroong cancer.

Sa kaniyang Snapchat series na “Will From Home”, kasama niyang inimbitahan bilang bisita ang singer na si Derulo.

Nagtungo ang dalawa sa Cook Children’s Medical Center.

Dito ay binigyan ng singer ng Play Station 5 ang 14-anyos na si Aiden.

Si Aiden ay nadiagnosed na mayroong cancer noong Abril.

Kasama niyang sa chemotherapy treatment ang ama na si Chuck.

Inaaliw ng ama ang anak sa pamamagitan ng pagsasayaw at dito rin ay tinuruan nina Smith at Derulo si Chuck ng ilang bagong steps.

Ang 10-episode na ito Smith ay may ilang surpresa gaya nina Alicia Keys, DJ Khaled, Lil Nas X at Ludacris.

Inilunsad ng actor ang episode bilang kawang-gawa sa mga nangangailangan ng tulong kaya ng mga taong may dinaramdam na sakit.