Inanunsiyo ng Disney na ginagawa na nila ang pelikulang “Sister Act 3”.

Ayon sa kumpanya makakasama pa rin sa nasabing pelikula ang orihinal na cast ng pelikula sa pamumuno Whoopi Goldberg.

Mapapanood ang ito sa Disney Plus ang streaming service ng kumpanya.

Gaganap bilang si Deloris Van Cartier si Goldberg na isang singer na napilitang pumasok sa witness protection program hanggang mailipat sa pagiging madre sa isang kumbento.

Taong 1992 ng sumikat ang pelikula subalit ng ilabas ang part 2 nito sa sumunod na taon ay hindi na ito pumatok gaya ng una.

Wala pang petsang binanggit ang kumpanya kung kailan ito ipapalabas.