-- Advertisements --

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na huwag tigilan ang paglaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ay kahit na maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagluluwag sa mga lockdown.

Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na hindi pa napapanahon na tumigil na ang mga bansa para sa kanilang paglaban dahil tumataas pa ang mga kasong naitatalang nadadapuan ng virus.

Dapat rin aniyang nakatutok ang mga bansa sa posibilidad na magkaroon ng second peak ng nasabing virus.

Pumapalo na kasi sa mahigit 7 million katao na ang nadapuan ng virus at mayroong mahigit 400,000 na rin ang nasawi dahil sa virus.

-- Advertisement --