BRUSSELS – Naniniwala ang pamunuan ng World Health Organization (WHO) na aabutin pa ng taon bago madiskubre ng mga eksperto at scientists ang pinaka-epektibong bakuna laban sa virus ng COVID-19.
“It would be very difficult to say for sure that we will have a vaccine,” ani WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Sa pagharap ni Ghebreyesus sa meeting kasama ang Health Committee ng European Parliament, binigyang diin nito ang agarang paghahatid sa publiko ng madidiskubreng bakuna.
“We never had a vaccine for a coronavirus. So this will be, when discovered, hoping that it will be discovered, it will be the first one.”
Ayon sa WHO head, may higit 100 kanidato na sila para maging COVID-19 vaccine, at isa raw mula sa mga ito ang nasa advanced stage of development na.
“Hoping that there will be a vaccine, the estimate is we may have a vaccine within one year. If accelerated, it could be even less than that, but by a couple of months. That’s what scientists are saying.”
Ang Pilipinas ay gumawa na rin ng inisyatibo sa pagsasaliksik at development ng posibleng bakuna laban sa COVID-19 virus. Ayon sa Department of Science and Technology, nakipag-partner ang kanilang ahensya sa ilang institusyon sa China at Taiwan para sa vaccine development.
Nagpahayag naman ang pharmaceutical giant na Sanofi hinggil sa target nilang mapa-aprubahan ang potensyal na COVID-19 vaccine sa unang bahagi ng 2021.(Reuters)