Hindi nababahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung mga miyembro ng mga makakaliwang grupo, partikular ang mga miyembro ng GMA Front Organization ang mga nag ookupa sa mga housing units sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na wala silang pakialam kung mga miyembro ng makakaliwang grupo ang nag okupa sa mga housing units ngayon dahil mga Pilipino naman ang mga ito.

Inihayag ni Padilla na suportado nila ang programa ng pamahalaan na mabigyan ng libreng pabahay ang lahat ng Pilipino ng sa gayon wala ng away at magkakaroon na ng katahimikan na siyang inaasam-asam ng lahat.

Giit ni Padilla na imbes titira ang mga ito sa bundok ay mas mainam na nakatira sila sa isang komunidad at makihalubilo sa mainstrem ng sa gayon tuluyan ng matuldukan ang armadong pakikibaka na siyang nakakagulo sa bayan.