Reading Time: 1 minute

Inihanda na ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga tangke nito ng tubig bilang tulong sa mga residente ng Metro Manila na apektado ng water interruption dulot ng mababang level ng Angat Dam.

Ayon kay PRC chairman Sen. Richard Gordon, inatasan na niya ang mga kawani ng tanggapan para ihanda ang water tankers nito.

Tiniyak ng opisyal na hindi mauubusan ng water supply ang mga ospital at iba pang kritikal na establisyemento sa Metro Manila.

Ani Gordon, sakaling bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa mga susunod na araw ay uunahin na nilang bigyan ng alokasyon sa tubig ang mga pagamutan.

“Just like last March, we are prepared to deploy our water tankers to supply water to most critical establishments, especially hospitals. We have 20 water tankers in Metro Manila that are capable of filling up high-pressure water systems.”