-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng water concessionaires ang posibleng pagbaba ng suplay ng tubig na nagmumula sa Angat dam dahil sa El Niño.

Plano kasi ng National water Resources Board (NWRB) na bawasan ang alokasyong tubig para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) concessionaires dahil sa pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam mula ng magsimula ng 2024.

Ayon sa board, dapat na babaan ang suplay galing sa angat mula sa 50 cubic meters per second sa buwna ng Marso sa 46 o 48 cm/s na lamang sa mga susunod na buwan para mapanatili ang minimum operating level ng dam na isang mahalagang mitigation process sa panahon ng tag-init.

Sakali man na maisapinal na ng NWRB ang planong pagbabawas sa suplay ng tubig na nagmumula sa Angat dam patungo sa mga water concessionaire, magdadagdag ang Manila Water ng bagong water resources gaya ng 2 water treatment plants na kukuha ng suplay mula sa Laguna lake.

Mayroon din aniyang deep wells sa mga sinusuplayang lugar na maaaring gamitin sakaling kailanganin.

Samantala, inabisuhan naman ng Maynilad na pinakamalaking private concessionaires, ang mga consumers na asahan ang water disruptions sakaling bumaba sa 46 cm/s ang alokasyong tubig na maaaring maranasan kapag late evenings o early morning.

Sa ngayon ang kasalukuyang antas ng tubig sa Angat ay nasa 205.93 meters, ito ay 12.7 meters na mas mababa kumpara sa spill level nito noong katapusan ng 2023.