Ibinunyag ng Defense ministry ng Japan na namataan ang dalawang warships ng Russia sa katubigan malapit sa Taiwan at Okinawa islands ng Japan sa nakalipas na apat na araw.
Ginawa ng Japan ang pahayag kasunod ng kaparehong anunsyo mula sa Defense Ministry ng Taiwan ngayong linggo.
Ayon sa Japanese ministry, dalawang Steregushchy-class frigates ang unang namataan 70km o 40 milya timog-kanluran ng westernmost island ng Yonaguni sa Okinawa prefecture malapit sa Taiwan noong umaga ng Taiwan.
Nagpabalik-balik aniya ang naturang mga warship sa karagatan sa pagitan ng Yonaguni at Taiwanat huling namataan kahapon sa karagatan sa pagitan ng Miyako at Okinawa islands.
Nagpakalat naman ang Kapan ng dalawang barko nito para imonitor ng mga aktibidad ng dalawang Russian warship.
Una ng sinabi ng gobyerno ng Japan noong nakalipas na buwan na nagpapakita ng seryosong concern sa seguridad ng kanilang bansa ang paulit-ulit na military activity ng Russia malapit sa teritoryo nito kabilang ang pagsasagawa ng joint drills kasama ang pwersa ng China.
Kaugnay nito, nakiisa ang Japan at Taiwan sa Estados Unidos at mga kaalyado nito na magpataw ng malawak na sanctions sa Russia matapos ang invasion nito sa Ukraine noong nakalipas na taon.
Noong Martes din napaulat na nakapasok ang detachment ng mga barko ng Russian Pacific Fleet sa katimugang bahagi ng karagatan ng Pilipinas para magsagawa ng military activity bilang bahagi ng long-range sea passage.